Spilled thoughts about us...

dati-rati ay hamak na kaibigan lang
di mo kasi makita ako'y nag-aabang
sa lahat ng malapit sa iyo
ang ang napapalyo

eto na naman tayo
sa dramang nakakalito
pagpapaselos nga ba
o sadyang nahulog na talaga
sa tuwing napapalapit
pag-ibig ay lalong nakakamit
na matagal na sa aking puso nakaukit

sana di na matapos ang mga araw
na sa iyo ako'y walang kaagaw
tinalikuran ang lahat
para mapatunayan ako sayo'y nararapat

marami man ang humhadlang
ang nakaraan, kaibigan at mga magulang
ako'y maghihintay kahit matagal
hanggang sa kamatayan ikaw parin ang mahal

sa araw na ako'y iyong sasagutin
lahat ay aabutin
upang mapatunayan ang pag-ibig ko at di pagsisihan
ang taong iyong pinagkatiwalaan

sa kasalukuyan may pinagdadaanan
mga pagsubok na di matugunan
alam ko natatakot kang magmahal
kaya't mga pahirap ay iluluwal
para masubukan at makita
ang tunay na nagsisinta

minsan naisip nang sumuko
hanggang mga luha ay nagtatangkang tumulo
buhat ng sakit
dulot ng mga pagsubok na kay lupit
subalit ika'y naiintindihan
takot ka lang masaktan
dahil dati puso mo'y umasa sa iba
ngunit ito'y binalewala
noon pa sana ika'y nakita
upang di ka mawala
pagibig ko lang ang lagi mong makikita

ngayon napapaibig na kita aking sinta
ngunit puso mo at puso ko ay di parin tugma
masakit man isipin
ako'y umaasa pa rin na iyong mamahalin
habang buhay magmamahal at ilang ulit man saktan
di ka matiis ng puso kong ayaw kang pakawalan

may mga araw na di ka kasama
puso't isipan sayo parin nakatama
sana sa puso mo ako lang talaga
at sa iyong mga mata ako lang makikita
ang sarap sa pakiramdam
na mahal ka ng taong iyong inaasam
sa ngayon di ko man maangkin
alam ko ang puso niya ay sa akin

noong sinabi mo mahal mo rin ako
ako'y napipi at tila tumigil aking mundo
sa sobrang galak na tinatamasa
kaligayaha'y  habang buhay dadagsa
ikaw lamang ang nagbigay
ng totoong kulay sa aking buhay
napunan mo ng alaala na iyakan at pagmamahalan
MAHAL MO NGA AKO
PERO MAS MAHAL KITA HIGIT PA SA INIISIP MO!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento